"Matalino man ang matsing napaglalamangan din."
- ito ay isang salawikain o proverb. Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan.
- ang ibig sabihin nito ay "Gaano man katalino ang isang tao, naiisahan pa rin ito". Pinapahiwatig na ang talino ay limitado rin.
- ito ay hinuha mula sa kwentong "Ang Pagong at ang Matsing"