Ang metaporikal na kahulugan ay kahulugang di-literal ng isang salita batay sa paggamit nito. Isang magandang Halimbawa nito ay ang salitang bola. Ang literal na kahulugan ng bola ay--isang bagay na tumatalbog at kadalasang ginagamit sa paglalaro gaya ng basketbol at volleyball. Ang metaporikal naman na kahulugan nito ay pagbibiro o pangloloko.