Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Kasagutan:
Ang natural hazard ay tumutukoy sa mga sakuna o kalamidad na nagmumula o gawa ng kalikasan at may pagkakataong magdulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian, hayop, tao, at sa kalikasan.
Ang mga natural hazard ay bahagi ng natural na sistema ng ating planeta at wala tayong kakayahang pigilin ito. Kabilang dito ang mga sakuna o kalamidad gaya ng lindol, bagyo, at pagputok ng bulkan. Subalit, maaari natin itong mapaghandaan at mabawasan ang mga negatibong epekto nito sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga opisyal at mamamayan, matagumpay nating maibsan at mabawasan ang pinsalang dulot nito sa atin.
Sa sama-samang pagkilos at agarang paghahanda, mapapakita natin na kaya nating harapin ang anumang hamong dulot ng kalikasan nang may lakas at pagkakaisa.
Bisitahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga hazards: