Ang alokasyon ay isang napakahalagang konsepto sa ekonomiks. Ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito rin ay isang paraan upang makamit ang mga layunin ng mga kasapi sa isang ekonomiya. Ang alokasyon ay may dalawang maaring kaayusan. Ang unsa ay tinatawag na pinag-uutos( command) at ang ikalawa ay pakikipagpalitan (exchange).
Ang distribusyon naman ay tumutukoy sa pamamahagi ng kabuuang produkto at kita sa iba't-ibang salik ng produksyon tulad ng lupa,paggawa, at kapital.