Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

ano ang kaugnayan ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa pag usbong ng damdaming nasyonalismo sa asyapaaano nagkakaiba ng pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng asyano bakit mahalaga ang pakikibaka para ikabubuti ng kapwa at ng bansa?
plssss plssss plsss help me
please help meeeeee.........

Sagot :

Ano ang kaugnayan ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa pag usbong ng damdaming nasyonalismo sa Asya?

Magkaugnay ang kolonyalismo at imperyalismo dahil ito ang mga dahilan kung bakit umusbong ang damdaming nasyonalismo sa Asya. Parehas na tinututulan ng mga Asyano ang kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Hindi nila nagustuhan ang naidulot ng mga ito sa kanilang bansa. Sinakop tayo ng mga Kanluranin dahil nakaroon sila ng interes sa ating mga likas na yaman at sa mga spices na matagpuan sa ating bansa at iyon ay ang kolonyalismo. Ang imperyalismo naman ay ang pagsakop sa atin ng mga Kanluranin dahil gusto nilang palakasin at palawakin ang kanilang kapangyarihan.

Paano nagkakaiba ng pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng Asyano?

Mayroong pagkakaiba ang pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano. Katulad na lamang ng bansang Pilipinas na kung saan nagkaroon ng dalawang paraan ng damdaming nasyonalismo ang mga mamamayan. Para sa mga pangkat ng nakapag-aral, masasabing mapayapa ang kanilang napiling pamamaraan upang makamit ang reporma at kalayaan tulad ng pangangampanya para sa pagpapabuti ng kolonya. 
Isang halimbawa na dito ay si Jose Rizal na nakapag-aral sa ibang bansa at ipinatupad ang kilusang Propaganda sa bansang Pilipinas. Isinulat rin niya ang Noli me Tangere at El Filibusterismo para maipahayag ang dahas at kalupitan na ipinamamalas ng mga Kastila. Ang isa naman ay ang paghihimagsik o ang pakikipaglaban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan. Ito ay pinamunuan ni Andres Bonifacio at iba pang mga Pilipino na nakipaglaban sa iba't ibang panig ng bansa.

Bakit mahalaga ang pakikibaka para sa ikabubuti ng kapwa at ng bansa?


Mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa. Kailangan nilang magkaisa dahil ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Hindi dapat nagkakaaway ang mga mamamayan sa isang bansa dahil ang totoo ay sila ay magkakakampi. Pare-parehas tayong mga Pilipino kaya mahalin natin ang kapwa nating Pilipino. Kailangan nating magtulungan at magkaisa para maipakita sa ibang bansa na ganito ang mga Pilipino, na ganito ang bansang Pilipinas, na ganito tayo, nagkakaisa at hindi nagkakaaway.