asagot
sarili
yong
aano
.
Ang bilin nl Ina
Tuwing Sabado tinutulungan ko ang aking nanay sa
pagtitinda ng ulam. Masarap siyang magluto kaya dinarayo
kami ng mga tao sa aming maliit na dampa, Si Tatay naman ay
drayber ng trak.
Isang araw. Inutusan ako ng nanay na bumili sa
pamilihan." Lester, bumili ka ng tatlong kilong kamatis." Sabi
niya. "Opo, Inay. Vubusin ko lang po itong iniinom kong gatas."
"Ilagay mo ang pera sa bulsa mo at maraming tao sa
pamilihan," bilin ng nanay." Hawakan ko na lang itong pera,"
bulong ko sa sarili.
Bitbit ang maliit na timba, sumakay ako sa dyip.
Pagdating sa tindahan, nagulat ako at wala na sa kamay ko
ang pera. Kumabog ang aking dibdib kaya binalikan ko ang
kalsadang aking dinaanan kanina. Ngunit hindi ko nakita ang
pera.
Mava-mava'y
dumating
sina
Allan
at
Alvana.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang ipinabili ng Nanay kay Lester?
3. Ano ang nangyari sa pera na dala ni Lester?
4. Tutularan mo ba si Lester? Bakit?