IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ang mga magulang, bago pa naging magulang ay naging mga kabataan din na puno ng pangaral ng kanilang magulang dati. Maaaring matagumpay sila sa buhay o hindi, pero iisa ang katotohanan tungkol sa kanila. Lahat sila ay natuto sa nakaraan kaya sila ay mga magulang ngayon na magpapasa ng kanilang natututunan sa mga anak.
Ang nakatatanda ika nga ay nauna sa duyan. Mas mahaba na ang panahong kanilang itinira sa mundo. Samakatuwid, mas marami na rin silang natutunan sa mundo. Kung sila ay nagtagumpay, masaya nila itong ibinabahagi sa mga kabataan upang magtagumpay rin ang mga ito. Kung ang mga nakatatanda namang ito ay nabigo sa buhay, gagamitin nila ang natutunang leksiyon upang bigyang babala ang mga kabataan na huwag matulad sa kanila.
Ang mga awtoridad naman ay nasa posisyon upang sundin. Itinalaga sila ng mga namumuno sa gobyerno para sa kanilang trabaho. Alam nila ang batas at ang mga karampatang parusa sa paglabag. Sila ‘yung mga taong sinanay para ipalaam sa mga tao ang batas at kung paano ang tamang pagsunod. Kaya mas magiging ligtas tayo kung sundin natin sila. Ito ay sapagkat pinag-aralan nila ang kanilang gawain at dumaan sila sa pagsasanay upang maging karapat-dapat.
POSIBLENG KAHIHINATNAN KUNG HINDI SUMUNOD SA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORIDAD
mapariwara sa buhay
mabuntis o makabuntis ng maaga
hindi makapagtapos ng pag-aaral
maging tambay
mabigo ang pangarap
walang direksiyon ang buhay
wala nang mag-aabalang mangaral
walang maibabahagi sa mga anak
makulong
mamatay
Explanation:hope it help you
pa brainliest po ty po
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.