IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
PLEDGE OF COMMITMENT
Bilang isang mabuting mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga natutunan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng pagbabago sa aking sarili dahil naniniwala ako na ang lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Ituwid ang mga maling konsepto tungkol sa paniniwala at pakikitungo hindi lamang sa mga babae’t lalaki kundi higit sa lahat sa mga miyembro ng LGBT, dahil katulad natin mga tao din silang may mga karapatan sa buhay. Lubos akong naniniwala na ang mga simple at maliliit na paraan kong ito ay isang malaking kontribusyon sa pagpapa-unlad ng pamayanang aking kinabibilangan. Pagbabahagi ng impormasyon hindi lamang sa mga kapwa mag-aaral kundi pati na rin sa mga tao sa paligid upang maitama ang kanilang maling persepsiyon at mas mapalaganap ang mga bagay. Mas maisasabuhay natin ang ating mga natutunan para sa ikabubuti ng lahat at hindi lang tayo puro salita at gumawa tayo ng kilos katulad ng pagkakaisa sa mga programang nagtatalakay dito.