help po pls Gawain 2: Bituin o Buwan?
Panuto: Guhitan ng bituin ( ) ang mga pahayag na nagpapakita ng kahulugan at
kahalagahan ng pambansang pamahalaan para sa isang bansa at buwan ( ) naman
kung hindi. Iguhit ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______ 1. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.
_______ 2. Ang pamahalaan ay pumoprotekta sa mga iligal na gawain sa bansa.
_______ 3. Ang pamahalaan ang nangunguna sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng
pamamalakad at pamamahala sa bansa.
_______ 4. Ang pamahalaan ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto
para sa mga nasasakupan nito.
_______ 5. Ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas ang namimili kung sino ang mamumuno
sa bansa.
_______ 6. Ang pamahalaan ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na sangay.
_______ 7. Ang pamahalaan ang tumitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa.
_______ 8. Ang pamahalaan ang nangangasiwa sa pambansang badyet.
_______ 9. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Pangulo at Pangalawang
Pangulo.
_______ 10. Ang pamahalaan ang nangangalaga sa mga karapatan ng mamamayan sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan, pangkalusugan,
pangkultura, pansibil at pampolitika.