Bilang dalawang magkalabang estado, ang bansang Athens at
Sparta ay may mga pagkakaiba, ngunit sa kabila nito ay may mga bagay din hindi
maitatangging pareho ang pananaw ng dalawang lungsod-estado.
Ang Athens ay may Demokrasyang sistema ng pamahalaan. Sa
katunayan, sa bansang ito isinilang ang demokrasya sapagkat ito ang unang
nagpatupad ng ganitong pamamahala.
Ang Sparta naman ay may Oligarkiyang sistema ng
pamahalaan. Ito ang pamamahala na kung saan pinamumunuan ito ng limang Ephor at
dalawang hari.
Mapapansin na ang dalawang bansa ay hindi sang-ayon sa
ideya ng awtokrasya na kung saan mayroon lamang isang mamumuno sa buong estado.
Isa ring pagkakatulad ng mga estadong ito ay hindi nila pinahihintulutang makidigma ang mga kababaihan.