IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang limang bansa na malapit sa ekwador

Sagot :

Ang halimbawa ng limang bansa na malapit sa ekwador ay Malaysia, Papua New Guinea, Venezuela, Peru, at Nigeria.

Ang ekwador ay ang imahinaryong linya na naghahati sa Hilagang Polo at Timog Polo. Ang halimbawa ng limang bansa na malapit sa ekwador ay Malaysia, Papua New Guinea, Venezuela, Peru, at Nigeria. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga bansa na malapit sa ekwador ay narito.

I. Ano nga ba ang ekwador?

  • Ang ekwador ay ang imahinaryong linya na naghahati sa Hilagang Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole).
  • Ang imahinaryong linya na ito ay nakapaikot sa gitna ng mundo.

II. Mga bansa na malapit sa ekwador

Ang halimbawa ng mga bansa na malapit sa ekwador ay ang mga sumusunod:

  • Malaysia
  • Papua New Guinea
  • Venezuela
  • Peru
  • Nigeria

Bukod sa mga ito, narito pa ang ibang halimbawa ng mga bansa na malapit sa ekwador:

  • Pilipinas
  • Ethiopia
  • Tanzania
  • Sudan

III. Mga bansa na nasa ekwador

Bilang karagdagang impormasyon, may 13 bansa na dinadaanan ng ekwador. Narito ang mga bansang eksaktong dinadaanan ng ekwador.

  • Ecuador
  • Colombia
  • Brazil
  • Sao Tome & Principe
  • Gabon
  • Republic of the Congo
  • Democratic Republic of the Congo
  • Uganda
  • Kenya
  • Somalia
  • Maldives
  • Indonesia
  • Kiribati

Iyan ang mga impormasyon tungkol sa mga halimbawa ng limang bansa na malapit sa ekwador. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Ano nga ba ang ekwador? https://brainly.ph/question/140425, https://brainly.ph/question/194794 at https://brainly.ph/question/119739