Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Ang Alamat ng Waling-Waling ay tungkol sa isang rajah na ang ngalan ay Solaiman, na binigyan ng isang sundang at sinasabi rin na hindi na tatablan ng kahit anong uri ng patalim o armas.
Si Solaiman ay nakatagpo ng isang dilag na nakatira sa tuktok ng puno ng Lauan na ang ngalan ay Waling-Waling. Ang dilag ay may angking ganda na siyang bumighani sa rajah.
Ngunit bago pa man makababa si Waling-waling sa puno ay siya ay tinamaan ng liwanag ng buwan na mas lalo pang nagbigay ng ganda sa kanya. Sa isang iglap, nabalot ng liwanag ang kagubatan at unti-unting lumiit ang katawan ni Waling-waling at tila naging bulaklak na nakasabit sa puno ng Lauan.