IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Answer:
Pagiging matiyaga at matatag ang loob
Ang pagiging matiyaga kasama ang katatagan ng loob ay lubos na nakakatulong sa isang tao lalo na sa oras ng pangangailangan o krisis. Sapagkat kung ikaw ay matiyaga at matatag ang loob tiyak ang lahat ng mga pinagdaraanan mo sa buhay ay iyong malulutas at masosolusyonan, nagiging matatag ang loob ng isang taong handa at kayang harapin ang mga pagsubok sa kanyang buhay gaano man ito kahirap hindi siya sumusuko, handa siyang magpatuloy na harapin at labanan ito. Ang isang taong may katatagan ng loob ay masasabing isang taong matapang at malakas.
Ang pagiging matiyaga na may kasamang katatagan ng loob ang magpapatibay sa isang tao, handa siya sa anumang krisis ang kanyang haharapin sa buhay kahit man siya ay madapa, hindi siya kailanman susuko dahil siya ay patuloy na babangon at matapang na lulutasin ang mga problema gaano man ito kahirap lalo't matatag ang kanyang loob at paiiralin ang pagiging positibo lahat magagawa niya at lahat magiging posible basta sasamahan lang rin ng paniniwala at pananalig sa Diyos.