Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Mga sitwasyon nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao sa paaralan

Sagot :

Maraming sitwasyon na maaaring magpakita ng paglabag sa karapatang pantao sa loob ng paaralan. Isa na rito ay ang kalayaan sa pagsasalita. Ang karapatang ito ay malalabag kung ang isang estudyante sa loob ng paaralan ay hindi magkakaroon ng kalayaan na ihayag ang kanyang saloobin at damdamin sa loob ng klase dahil sa siya at ang kanyang opinyon ay binabalewala, hindi pinakikinggan o talagang hindi siya pinagsasalita. Ang karapatan naman ng mga estudyante na lumahok sa iba't ibang patimpalak o aktibidad na meron sa paaralan ay malalabag kung hindi binibigyang pagkakataon ang ibang mga estudyante na maipamalas ang kanilang angking talento o hindi sila hinahayaan na makilahok sa mga aktibidad ng eskuwelahan kung saan maaari silang matuto ng mga bagong bagay na maaari nilang magamit sa hinaharap.

#BRAINLYEVERYDAY