IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Epiko
Epiko ang sagot dahil ang epiko ay kwento na tumutukoy sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng tauhan.
Explanation:
Tulang Pasalaysay
Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito ay nasusulat sa may sukat na taludtod ngunit hindi kailangan na may ritmo tulad ng ibang tula.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
Ang tulang pasalaysay ay may ib't ibang uri.
1. Epiko
Ang epiko ay tulang pasalaysay na ang tema ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng pangunahing tauhan. Ang mga pangyayari rito ay tila hindi kapani-paniwala o kababalaghan.
Halimbawa ng Epiko:
- Maragtas
- Biag ni Lam-Ang
- Hinilawod
2. Awit
Ang awit naman ay tungkol sa pag ibig, talino, pananampalataya at pagtulong sa kapwa. Ito rin ay nagtataglay ng mga kababalaghan at hindi kapani-paniwalang pangyayari. Binubuo ito ng 12 na pantig sa bawat taludtod at madalang kung inaawit.
Halimbawa:
- Florante at Laura
3. Ballad
Ito ay may himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay may anim hanggang 8 pantig.
Mga halimbawa ng tulang pasalaysay, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2500562
#LetsStudy
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.