Bilang isang estudyante, siguro ang pagtatapos at pag-aaral ng mabuti ang iyong magagawa upang makatulong sa iyong pamilya lalong lalo na sa iyong mga magulang. Alam kong napaka-espesyal para sa mga magulang ang makita ang kanyang mga/anak na grumaduate, umakyat sa entablado at makuha ang kanyang diploma na kanyang pinaghirapan, pinagtiisan at pinagpaguran matapos ang ilang taon, kasi kung ako rin ang magiging magulang, ganoon din ang mararamdaman ko panigurado. Kapag ikaw ay nakagraduate, di mo lang mapapasaya ang buong pamilya kundi matutulungan mo na rin sila na umahon sa kahirapan na kung anong meron kayo noon, pero iyon ay kung titiyakin mong ika'y magsisikap. Bilang isang estudyante, anak at mamamayan ng ating bansa, gusto kong maihatid sa mga kabataan ng ating henerasyon ngayon na kanilang bigyang halaga ang edukasyon dahil isa yan sa mga susi na magbibigay sa atin ng magandang kinabukasan.
--
:)