Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

anu-ano ang mga epekto ng bullying sa mga estudyante

Sagot :

Mga epekto ng bullying sa mga estudyante

1. Lumiliban sa klase

2. Mababa ang grado

3. Nagkakaroon ng depresyon

4. Pagpapakamatay

5. Pagiging bully na din sa kanyang kapwa mag-aaral

Lumiliban sa klase

  • Dahil sa sobrang pambubully na tinatamo ng ibang mag-aaral ay mas pinipili na lamang nila na manatili sa kanilang tahanan kaysa pumasok sa paaralan dahil sila ay na stress at sobrang napapahiya o kaya naman ay natatakot na lalo na kung pisikal na pambubully na ang kanilang nasasalubong.

Mababa ang grado

  • Hindi din maka concentrate ng pag-aaral ang isang tao dahil sa takot siyang magsalita o naiisip niya na baka mali ang kanyang magawa o masabi ay madagdagan naman ang pangunguntya sa kanya. Dahil dito nananatiling tahimik na lamang sila o di kaya naman ay hindi nalang nakikinig sa klase.

Nagkakaroon ng depresyon

  • Ito ay nangyayari kapag sobra-sobra na ang pangungutya ng ibang tao at pakiramdam ng isang mag-aaral ay totoo talaga ang sinasabi ng kanyang kapwa kaya bumababa ang tingin niya sa kanyang sarili at nauuwi ito sa depresyon.

Pagpapakamay

  • Dahil sa labis labis na depresyon ay maari itong mauwi sa pagkitil ng isang mag-aaral sa kanyang buhay.

Pagiging bully na din sa kanyang kapwa mag-aaral

  • Upang maprotektahan ng isang tao ang kanyang sarili sa pambubully ng iba ay siya na din mismo ang nagiging bully sa iba at kadalasan ito ay mas higit pa. Ito ay ang kanyang defense mechanism upang hindi siya matalo ng ibang tao lalo na kung ang pambubully ang kanyang kinalakihan sa paaralan.

Epekto ng pambubully sa paaralan

brainly.ph/question/531709

brainly.ph/question/2575615

brainly.ph/question/361991