Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

ano ang sampung bansa sa asya na may pinakamalaking populasyon?saang rehiyon sa asya ito kabilang?

Sagot :

Answer:

Ano ang sampung bansa sa asya na may pinakamalaking populasyon?

Ang populasyon ay bilang ng taong naninirahan sa isang lugar, rehiyon, o bansang kinabibilangan. Ang mga taong binibilang rito ay ang mga lehitimong mamamayan ng bansa sa anumang paraan. Ayon sa pinakahuling tala, ang sampung bansa sa asya na may pinakamalaking populasyon ay ang mga sumusunod:

  1. CHINA - 1.37 Billion
  2. INDIA - 1.29 Billion
  3. INDONESIA - 255.46 Million
  4. PAKISTAN - 191.78 Million
  5. BANGLADESH - 158.76 Million
  6. JAPAN - 126.89 Million
  7. PHILIPPINES - 102.96 Million
  8. VIETNAM - 91.81 Million
  9. IRAN - 78.77 Million
  10. TURKEY - 78.21 Million

Ano ang mabuting epekto ng malaking populasyon sa ekonimiya ng bansa

  • Kapag mas malaki ang populasyon ng isang bansa, mas malaki ang inaasahang buwis mula sa mamamayan na ginagamit na pondo para sa mga proyektong pampaunlad ng bansa.
  • Nagbubukas din ito ng oportunidad para sa mga nagnenegosyo na tangkilikin ang mga produkto dahil may mga mamimili sa lahat ng lugar sa bansa.
  • Magkakaroon ng kalayaang pumili ang mga namamamahala ng negosyo kung sino ang pinaka-angkop sa gawain o trabaho dahil sa kanyang abilidad at kakayahan. Maaari silang tumanggi at maghintay ng mga aplikante na akma sa posisyon o trabahong naghihintay.

Ano ang negatibong epekto ng malaking populasyon ng bansa

  • Dahil marami ang mamamayan, mabilis maubos ang suplay kaya palaging nagkukulang ang suplay ng mga produkto para sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
  • Dahil marami ang mamamayan, mataas din ang bilang ng mga walang trabaho dahil limitado ang pondo pansuweldo ng mga may-ari ng negosyo at kumpanya. Hindi kakayaning pasuwelduhin ng negosyo kung tatanggapin lahat ng aplikante kaya namimili lamang ang mga namamahala nito.
  • Dahil marami ang mamamayan, nasisira rin ang natural na pinagkukunan ng yaman ng bansa. Ginagawa itong tirahan ng mga mamamayan na dapat sana ay magagamit bilang taniman o lugar ng produksyon ng mga produkto.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa, maaaring buksan ang mga link sa ibaba:

  • 10 epekto ng malaking populasyon sa kapaligiran https://brainly.ph/question/202384
  • Ano ang mga negatibong epekto ng pagdami ng populasyon? https://brainly.ph/question/2221071

#BetterWithBrainly