Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Mga Halimbawa ng tulang Panudyo:
1. Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi
2. Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo
Kinuskos ng gugo
3. Mga pare, please lang koyo’y tumabi
Pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala
Ang aking manibela
4. Sitsit aya sa aso
Katok ay sa pinto
Sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto
5. Bata batuta
Samperang muta
6. Ako’y tutula
Mahabang-mahaba
Ako’y uupo
Tapos na po
7. Tatay mong
Bulutong
Puwede
Mong igatong
8. Toktolaok! Sabi ng tandang
Putputak!sabi ng inahin
Huwag kang umakyat
Itlog kong mapipisa
9. Pung,pung kasili,
Ipinanganak sa kabibe
Ano ang anak?
Buto’t balat hindi makalipad
Bali-bali ang pakpak
10. Putak, putak
Batang duwag
Matapang kat nasa pugad
Para sa karagdagang halimbawa ng tulang panudyo,maaaring magpunta sa link na ito: Sampung halimbawa ng tulang/awiting panudyo
https://brainly.ph/question/1198801
Ano nga ba ang Tulang Panudyo?
- Ang tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima).
- Ang tulang panudyo ay isang akdang pampanitikan na ginagamit ng mga bata para pantukso na hindi nakakasakit sa damdamin.
- Pabiro na nasa anyong patula. Sinasabi ito ng mga kapwa bata kapag nagkakapikunan.
- Ito rin ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng tulang panudyo,magpunta lamang sa link na ito: Ano ang kahulugan ng tulang panudyo? https://brainly.ph/question/459863
Layunin ng tulang Panudyo
-Ang layunin ng tulang panudyo ay mambuska o manudyo.
Para sa karagdagang ideya ng layunin ng tulang panudyo,maaaring magpunta sa link na ito: Mga tulang panudyo (kahulugan) https://brainly.ph/question/250217
Ano ang Panitikan?
- Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
- Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Narito ang mga halimbawa:
Mga Akdang Tuluyan
Alamat
Anekdota
Nobela
Pabula
Parabula
Maikling kwento
Dula
Sanaysay
Talambuhay
Talumpati
Balita
Kwentong Bayan
Mga Akdang Patula
Awit at Korido
Epiko
Balad
Salawikain
Sawikain
Bugtong
Kantahin
Tanaga
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.