Ang wika ay napakahalaga sa isang bansa lalo nasa sa mga mamamayang nakatira dito. Ang wika ay isa sa mga yaman ng isang lugar na pinakaiingatan. Kaya nararapat lang na pangalagaan ito hindi lang ng isang bansa lalo na ng buong mundo. Dahil ito ang isa sa kanilang pagkakakilanlan.
Ang mga salitang ito, wikang mapagbago, ay nangangahulugan ng isang wika na maaaring magbago sa pana-panahon. Maaaring ang mga sinaunang kinagisnang ginagamit na salita ay hindi na muli pang magamit sa mga susunod ng panahon dahil nahahaluan na ito ng iba pang wika o napapababaw na. At hindi na napapahalagahan dahil sa impluwensya ng iba pang wika na mula sa ibang bansa.