Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga kabataan. Ito ang lugar kung saan natuto sila ng pormal na edukasyon galing sa isang propesyonal na guro. Sa lugar na ito napapalawak ang kanilang pang-unawa at kaalaman sa maraming bagay mula kasaysaysan, sining at kultura, maging sa siyensya at teknolohiya. Sa paaralan mas lalong napagtibay ang mga paniniwalang natutunan ng kabataan sa kanilang tahanan na maaaring magamit nila upang mapaunlad ang sarili at ang lipunan.