Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig. Nakaapekto ang pag-usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan.