IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ano ang kahulugan ng triumvirate

Sagot :

Kahulugan ng Triumvirate

Ang triumvirate ay isang salitang ginagamit upang ilarawan ang uri ng sistemang politikal na kung saan ang isang estado ay pinamumunuan ng tatlong pinakamakapangyarihang tao sa rehiyon. Ang mga taong ito na namumuno ay tinatawag bilang triumvirs.  Ang mga triumvirs ay itinuturing bilang mga pinuno na mayroong pantay na kapangyarihan.

Mga halimbawa ng triumvirate

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga triumvirate na pamahalaan:

  1. Triumvirate na pinamumunuan ni Marcus Crassus, Julius Caesar at Pompey
  2. Triumvirate na pinamumunuan nina Octavianus na mas kilala bilang Caesar Augustus, Marcus Lepidus, at Mark Anthony
  3. Triumvirate ng mga Hindu na diyos na sina Brahma, Vishnu, at Shiva

Para sa karagdagang kaalaman:

  • Layunin ng unang triumvirate: https://brainly.ph/question/1090995
  • Iba pang depinisyon ng triumvirate: https://brainly.ph/question/932322
  • Mga triumvirate sa Roma: https://brainly.ph/question/274558

#BetterWithBrainly