Kilala ang
Brazil at Pilipinas sa ganda ng
industriya at sa urbanisadong lipunan pati na rin sa kagandahan ng
kalikasan at likas na yaman meron ang mga ito. Sa kabila ng mga
mabubuting katangian ng mga bansang
ito, laganap pa rin ang kahirapan sa bawat bansa.
Pangunahing
suliranin
ng syudad ng Brazil ay ang social disparity o ang hindi pantay-pantay na
pagtrato sa bawat
mamamayan. Isa ring sosyolohikal na suliranin sa Brazil ang
kahirapan ng mga mamamayang naninirahan sa mga natitirang pook na rural
sa
bansang ito, sinasabing ang kahirapan sa mga lugar na ito ay
maihahalintulad sa
kahirapan sa Africa at ibang bansa sa Asya. Sa kabilang dako naman, ang
Pilipinas ay may mataas na problema ng kakulangan ng suplay ng mga
pangunahing pangangailangan ng mamamayan dahil na rin sa mataas na antas
ng korapsyon ng bansa.