Elemento ng Alamat:
Simula:
Tauhan- ito ay ang gumaganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa.
Tagpuan- lugar na pinangyarihan ng mga aksyon,gayun din ang panahon kung kailan.
Gitna:
Saglit na kasiyahan-ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Tunggalian- pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin.
Kasukdulan-bahagi kung saan maaring makamtam ng pangunahing tauhan ang katuparan ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas:
Kakalasan-nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento.
Katapusan- naglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento.