. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
B. Dahil ayaw natin makaroon ng mga tamad sa lipunan.
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang.
D. Dahil may karapatan tayong kumilos.
12. Misyon ng tao ang pagpapanatili ang kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
D. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan
13. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
14. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
B. Tama dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipnan ayon sa Likas na Batas
C. Mali, dahil sa Kalayaan masasakripisyo ang kabutihang palahat at sa pagkakapantay-pantay masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
D. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat. 15. Maaaring mabuhay ang tao kahit hindi siya makihalubilo sa iba subalit;
A. tatanda siyang walang Karamay sapagkat wala siyang kapwa-tao
B. kulang ang kanyang kaalaman sa mga pangyayari sa paligid
C. hindi magiging ganap ang kanyang pagiging tao
D. matatagalan ang kanyang pag-unlad bilang tao