Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
Ang demand curve ay ang graph na batay sa demand schedule. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve. Kung tutuntunin ang mga puntong ito ay makabubuo ng isang kurbang pababa (downward sloping curve). Ang kurbang ito ay nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:
https://brainly.ph/question/412647
Paglipat ng Demand Curve
Kapag may pagbabago sa demand ng isang kalakal nagkakaroon ng paglipat ang demand curve:
- Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung bumababa ang demand ng kalakal.
- Lumilipat naman ang demand curve pakanan kung tumataas ang demand ng isang kalakal.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:
https://brainly.ph/question/973393
Matalinong Pagpapasya, pagtugon sa pabago-bagong Demand
- Mas makabubuti kung hindi agad susunod sa uso upang hindi agad magkaroon ng malaking pagbabago sa demand.
- Matutung tipirin ang kita. Ang labis na paggastos ay hindi mainam. •
- Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/779338
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.