Ang personipikasyon (personification) ay ang pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi, at kilos sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.
Ang Pagmamalabis o Eksaherasyon (hyperbole) ay ang panlalabis o ang pankukulang sa kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay ng kanyang ama.
(NOTE: Sa Personipikasyon, ginagawa ng isang bagay yung mga kilos na supposed to be na ginagawa ng tao. Kunyari, lumuha ang langit. Diba kilos ng tao yung lumuha? On the other hand, yung hyperbole, masyadong OA yung nasa pangungusap. Kunyari, lumuha ng dugo, that's super OA, right? Pero hindi naman totoo, parang may ibang pinaparating na meaning.)