Sa temang ito, maipapahayag ang
suporta sa bansa. Ang Filipino ang ating
pambansang wika. Ito ang simbolo ng ating karunungan na nagpapagtibay n gating pagka-Filipino.
Filipino: Wika ng Pambansang
Kaunlaran. Ito ang tema ng Buwan ng Wika ngayong 2015. Nangangahulugan ito na
ang pagtangkilik sa ating pambansang wika ay isa sa mga susi sa ating
kaunlaran. Pinaniniwalaang ang pagtangkilik ng sariling atin ay isang paraan
upang maiparamdam ang pagkamakabayan.
Nararapat lamang na tangkilikin natin
ang sarili nating wika upang makamtan ang kaunlarang matagal nang inaasam.