Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog -silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo - European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo- European.
apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. • Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic.