Ang kakulangan sa lipunan ay tinutugunan ng lipunang sibil sa pamamagitan ng pagbubuo o pagtatayo ng mga organisasyon na nakapokus sa kapakanan ng mga mamamayan. Ito yung mga programa na hindi pinapamahalaan ng gobyerno sapagkat mga sibilyan din ang namamahala dito na may malaking malasakit sa lipunan. Isa sa mga halimbawa dito ay ang grupo ng kababaihan na "Gabriella". Ang samahang ito ay naglalayong protektahan at pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihang walang kakayahang protektahan at ipagtanggol ang sarili.