Malaki ang anyong lupa at anyong tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan sapagkat ito ang ilan sa mga pangunahing salik na isinaalang-alang ng isang lugar sa pagbuo ng pamayanan o pananatili rito. Upang mabuo at malinang ang kabihasnan kailangang manatili ang isang tao sa lugar at gamitin nito ang mga lahat ng pwedeng pagkukunan ng kayamanan katulad ng anyong lupa at anyong tubig. Kapag ang isang lugar ay sagana sa anyong lupa at anyong tubig ay mas madali ang pag-usad ng kalakalan at kaunlaran sa lugar sa gayong paraan ay magkakaroon ng maunlad na kabihasnan dito.