Answered

IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Ano ang ibig sabihin ng lansakan

Sagot :

Ibig Sabihin ng Lansakan

Ang lansakan ay isa sa mga kailanan ng pangngalan. Ito ay kilala din sa tawag na maramihan. Ang ibig sabihin ng lansakan ay dami o bilang na pinagsama-sama ngunit ang bilang na tinutukoy ay hindi tiyak. Ito ay nagsasaad ng kaisahan, karamihan o kabuuan.

Mga Halimbawa ng Lansakan

Narito ang ilang halimbawa ng salita na ginagamit sa lansakan:

  • kawan
  • kumpol
  • hukbo
  • langkay
  • pulutong
  • klase
  • grupo
  • organisasyon
  • komite

Mga Halimbawang Pangungusap

  • Isang kumpol na ubas ang binili ni tatay.
  • Grupo-grupo ang lumahok sa rally laban sa presidente.
  • Nakita namin ang paglipad ng kawan ng ibon.

Para sa halimbawa pa ng Kailanan ng Pandiwa, bisitahin ang link:

https://brainly.ph/question/566118

https://brainly.ph/question/566117

#BetterWithBrainly