Mahuhubog natin ito kung sasanayin natin ang ating mga konsensya sa paggawa ng kung ano ang tama. Gawin natin ito ng palagian dahil kung hindi maaaring maging manhid ang ating konsensya. Baka masanay ito na imbes na sawayin ang masamang hilig o gawain ay pawang wala ng pakialam. Huwag natin hayaang humantok sa ganitong kalagayan ang ating konsensya. Dahil sa pagkakaroon ng mabuti at sanay nakonsensya, maiiwasan natin ang mga bagay na maaaring magpasahamak hindi lang sa ating sarili kudi pati na rin sa buhay ng iba.