Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa
SUNDAY, JULY 3, 2016
ANG PAMILYA BILANG LIKAS NA INSTITUSYON
Maaring patuloy na nagkakaroon ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilya ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon . Bakit nga ba? Ito ang pitong(7) mahahalagang dahilan:
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama ng habang buhay.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life).
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
Explanation:
Ang pamilya, dumaan man sa maraming mg pagbabago bunga ng modernisasyon, ay mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi mabago kasabay ng panahon ang pag-iral ng isang pamilya.
Kung ito ay magpapaanod sa pagbabago, saan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong magmahal at maglingkod Saan pa kukuha ng pag-asa ang lipunan na umunlad?
Kabataan, kailangan mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahal ng sarili mong pamilya. May gampanin ka, may bahagi ka, nakahanda ka na ba.
sana makatulong lablots:>
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.