Ang talingdao ay ang makabagong anyo ng talingdaw na ang ibig sabihin ay isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng awiting bayan ng mga Tagalog. Mayroon itong dramatikong estruktura dahil may nauuna sa pag-awit at mayroon ding sumasagot. Ito ay isang awit na pagsasagutan ng kapwa babae at lalaki. Ito ay isa rin sa mga bahagi ng mayamang katutubong panitikan ng mga Pilipino na patuloy na binibigyang halaga at binubuhay maging sa modernong araw na ganito.