Ang teoryang heliocentric o heliosentriko ay ang pumalit sa teoryang heosentriko. Ayon sa teoryang ito, ang araw ang pinakasentro sa sitna ng sistemang solar at umiinog ang mga planeta sa palibot ng nakapirmeng araw o helios. Ito ay taliwas sa paniniwala ng simbahan kaya naman ito ay tinanggihan ng mga tao.