Ang antas ng karunungan o literacy rate ay may malaking bahaging ginagampanan sa kaunlaran ng isang bansa. Kung ang isang bansa ay may mataas na literacy rate katumbas nito ang mataas na potensiyal sa pag-usbong at pag-unlad ng ekonomiya, sa kabuuan, ng bansa. Ang pagkakaroon nito ay nangangahulugang ang mga mamamayan ay marunong sumulat, bumasa at bumilang kung saan ay napakahalaga sa pag-usbong ng ekonomiyang panlipunan.