Sa Math, kailangan mo maintindihan ang mga pangunahing saligan (basic concepts) nito. Kapag sinasabing "maintindihan", ay nangangahulugan ito ng matiyaga at puso-sa-pusong pag-aaral. Kabisaduhin mo lang ang mga pangunahing prinsipyo nito at ikaw rin ay tatalino.
Sa English at Science, makakatulong ang pagbabasa palagi ng mga aklat ukol dito. Siyempre pa, kailangan mo rin magsanay magsalita nito palagi. Tandaan, ang pagsasanay ang nagpaparunong sa mga marurunong. Kaya mag-ensayo ka palagi, lakipan ito ng pananalangin.