Ang lugar na ito ay nagtataglay na maraming hanay ng mga bulkan, kasama na) ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng, bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.