Ang Catal Huyuk ay isa sa mga pinakalumang sinaunang
pamayanang urban na kailanman natagpuan at nagbibigay ng walang kasinghalaga na
mga pahiwatig sa mga pinagmulan ng sinaunang kabihasnan.
Tinatayang may 6,000 na populasyon sa Catal Huyuk. Ang mga
bahay ay gawa sa putik ladrilyo. Sila ay mahilig din sa likhang sining. Isa na rito ang mural painting.
Ang mural painting ay nagsisilbing rekord ng mga naging
tunggalian at pakikipaglaban ng mga sinaunang tao sa mga hayop upang manatili
sa iisang lugar at maging sa kabuhayan nila.
Kadalasan sa mga ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng mga hayop.
Ang mga hayop na nasa mga painting ay baka, kabayo, usa, baboy-ramo.