Ang ibang mga Asyano ay nagpamalas ng damdaming Nasyonalismo sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Ang mapayapang paraan ay pinamunuan ni Jose Rizal sa pagtatatag ng kilusang Propaganda. Masasabing mapayapa ang kanilang napiling pamamaraan dahil ang pangunahing layunin nito ay makamit ang reporma at kalayaan tulad ng pangangampanya para sa pagpapabuti ng kolonya. Ang isa pang pamamaraan ay ang paghihimagsik katulad na lang ng paglulunsad ni Andres Bonifacio ng himagsikan. Ang kanilang pangkat ay nakipaglaban sa mga dahuyan upang makamit ang kasarinlan at kalayaan na hinahangand ng bansang Pilipinas. Magkaiba man ng pamamaraan, isa lang ang kanilang hinahangad at iyon ay ang makamtan ang malayang pamumuhay ng mga mamamayan.