Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo : Essay
Sa kasalukuyan, kung saan nauuso ang teknolohiya at lagi na lamang nakaupo ang mga tao sa kapapanood ng telebisyon, sa kompyuter o kaya ay sa cellphone, isang malaking problema ang katabaan. Ang labis na katabaan ay nakakasama sa pangkalahatang kalusugan ng mamamayan. Ito ay nagdudulot ng iba't ibang sakit, gaya ng high blood pressure, atake sa puso, diabetes at marami pang iba. Upang maiwasan ang ganitong katabaan ay kailangang magkaroon ng tamang timbang sa pamamagitang wastong nutrisyon at regular na ehersisyo. Kinakailangang kumain ng mga masustansiyang pagkain sa tamang oras at sabayan ng regular na ehersisyo upang makamit ang malusog na timbang nang maiwasan ang mapalapit sa iba't ibang uri ng mga sakit.