Maliit lang yung aking nalalaman tungkol diyan. Nagkataon kasi na iyan yung aming aralin ngayng ikatlong markahan. Yung panahong Vedic, hango yan sa salitang Vedas na nangangahulugang "karunungan." Ang Vedas ang pangalan sa unang panitikan ng mga Indo-Aryan. Ang una sa mga kabihasnan ng Indo-Aryan ay namumuhay ng humigit-kumulang 600 taon mula 1,500 B.C.E. hanggang 900 B.C.E. Mayroong bunga ang pangyayari sa panahong Vedic. Itinaboy ng mga Indo-Aryan patungo sa timog ang mga katutubong tao na tinawag na mga Dravidian. Naging mga magsasaka at natutong mamuhay sa mga pamayanan ang mga Indo-Aryan.