Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

katangian ng talumpati brainly

Sagot :

Answer:

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan  na ipinapahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado na may tagapakinig. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na tumatalakay sa isang paksa na sinasalita sa harap ng mga tagapakinig. Masasabi itong sining sa paraang pasalita na may nakikinig.  Ang talumpati ay naglalayong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Nagiging epektibo ang isang talumpati kung ang mananalumpati ay may magandang personalidad, malinaw magsalita, may malawak na kaalaman sa tungkol sa paksang tinatalakay, tamang paggamit ng kumpas, at may nageensayo sa talumpati.

Uri ng Talumpati

Ang mga sumusunod ay mga uri ng talumpati:

Talumpating Walang Paghahanda

Talumpating Pabasa

Talumpating Pasaulo