Ang yamang lupa ng Silangang
Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin
o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na
maaaring bungkalin at ito’y pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng pananim.
Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa
buong mundo. Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa
pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang
malalaking hayop ay ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga
anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga nakatira rito.