I think yung ibigsabihin ng temang iyan ay kung hindi dahil sa edukasyon, hindi natin mararating ang saktong buhay na meron tayo ngayon. Parang sinasabi lang ng tema na iyan na ang edukason ang paraan upang makuha o makamit natin ang masaganang buhay na pinapangarap natin. Kasi kung hindi ka magsisikap tsaka kung hindi mo seseryosohin ang pag-aaral mo, sa tingin mo ba magiging okay yung kinabukasan mo? Syempre kailangan na kahit papaano may matutunan tayo sa buhay natin. Kaya nandiyan yung edukasyon kasi iyan yung magdadala sa kinabukasan natin. Diyan nakadepende yung magiging buhay natin sa susunod. Hindi naman habang buhay aasa na lang tayo nang aasa sa mga magulang natin di ba, kaya nandiyan ang edukasyon para gabayan tayo sa magiging kinabukasan natin.