IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

sa iyong opinyon, bakit mahalaga na pag aralan ang heograpiya?




55 points pag answer nito po

Sagot :

Answer:

Kahalagahan ng Heograpiya

Ang pag-aaral ng Heograpiya ay may napakalaking bahagi sa pamumuhay ng tao kasama na ang politika, ekonomiya at ng lahat ng iba pang sistema sa lipunan. Ilan sa kahalagahan ng Heograpiya ay ang sumusunod:

Ang Heograpiya ay itinuturing na larawan ng sibilisasyon ng bansa na may maunlad na antas ng pamumuhay o kultura.

Ang mundo ay may iba't ibang pisikal na katangian at ito ay nakaugnay at nakaaapekto sa maraming aspeto ng pamumuhay ng mga tao.

Mahalaga na matutunan natin ang ating heograpiya upang malaman ang lahat ng ating mga natural na yaman.

Ang maaliwalas na kapaligiran at kagandahan ng likas na yaman ng bansa ay epekto ng pagkakaroon ng karunungan ukol sa heograpiya.

Dahil sa heograpiya malalaman natin kung ano ang mga nangyayari sa ibabaw ng mundo at sa kaloob-looban nito Kasama na ang iba’t ibang gawain na nagaganap dito.

Mahalaga rin na matutunan natin ang kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano.

Dito natin malalaman kung ano ang pinagmulan ng isang bagay at pangyayari.

Dapat pangalagaan ang heograpiya upang mas maging umunlad at mapayapa ang bansa. Mahalagang malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ngdaigdig dahil tahananito ng tao. Makatutulong ang heorapiya upang lubos nating maunawaan ang paligid na ating kinabibilangan at kinukuhan ng kabuhayan.