Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing balita sa tulong ng inyong magulang o tagagabay at ipahayag ang inyong opinyon (saloobin) at reaksiyon (damdamin)
A. Muling iginiit ng Department of Education na pabor ito sa pagkakaroon ng face-to-face classes, lalo na sa mga lugar na itinuturing na "low risk" sa banta ng coronavinus disease (COVID-19).
"Kung DepEd lang ang tatanungin, ang posisyon ng DepEd talaga ay gusto natin may face-to-face, kahit limited face-to-face. Kaya lang may national policy tayo, susunod muna tayo sa national policy." sabi ngayong Miyerkoles ni Education Undersecretary Alain Pascua sa isang consultative meeting kasama ang mga school head sa Sorsogon.
Binitawan ni Pascua ang pahayag matapos sabihin ng isang school official na may ilang subject na kailangan talagang ituro nang face-to-face.
Nanawagan din noong Martes ang ilang grupo sa DepEd na muling magkaroon ng face-to-face classes sa lalong madaling panahon dahil pahirap anila ang distance learning.
Opinyon:
Para sa akin _____________________________________________________________________________________
Reaksiyon:
Ako ay______________________________________________________