1. Ito ang pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan.
A. Jus chico C. Jus sanguinis
B. Jus hombre D. Jus soli
2. Ang pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng magulang ay
_______________ .
A. Jus chico C. Jus sanguinis
B. Jus hombre D. Jus soli
3. Nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas ay ang _________________.
A. pagkabanyaga C. pagkamamamayan
B. pagkamag-aaral D. pagkaturista
4. Ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan
ng naturalisasyon ayon sa Commonwealth Act No. __________________ .
A. 275 B.375 C.475 D. 575
5. Ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang
pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa ayon sa __________________.
A. Seksiyon 2 ng ng Saligang Batas ng 1985
B. Seksiyon 3 ng ng Saligang Batas ng 1986
C. Seksiyon 4 ng ng Saligang Batas ng 1987
D. Seksiyon 5 ng ng Saligang Batas ng 1988
6. Ito ang proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.
A. aplikasyon C. kwalipikasyon
B. dedikasyon D. naturalisasyon
7. Batay sa Republic Act 9225, ano ang mangyari sa mga dating mamamayang
Pilipino na nagiging mamamayan ng ibang bansa ?
A. Hindi na sila maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
B. Maaring muling maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
Naturalisasyon.
C. Ang manirahang muli sa Pilipinas ay maaaring muling maging
mamamayang Pilipino.
D. Sa pamamagitan ng aplikasyon ay maaaring muling maging
mamamayang Pilipino.
8. Ayon sa Artikulo IV , Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 , maituturing na
mamamayang Pilipino ang mga sumusunod maliban sa isa.
A. Mga ama lamang ang mamamayang Pilipino
B. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas
ng naturalisasyon
C. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987
Noong Pebrero 2, 1987
D. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga
inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21
taong gulang
9. Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan
ng mga ito maliban sa isa.
A. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng bansa.
B. Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
C. Pinawalang-bisa ang pagkanaturalisadong mamamayang Pilipino.
D. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit
niya ng 21 taong gulang.
10. Ito ang mga katangian ng isang dayuhan na nais maging naturalisadong
Pilipino maliban sa isa.
A. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na.
B. Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas.
C. Wala siyang hanapbuhay pero may ari-arian sa Pilipinas.
D. Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura
at kasaysayan ng Pilipinas.